NPA member todas sa bakbakan sa Albay

Nasawi ang isang miyembro ng New People's Army (NPA) habang naaresto ang dalawa pa matapos sumiklab ang bakbakan sa Barangay Magogon, Camalig, Albay ngayong Huwebes.

Nasawi ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang naaresto ang dalawa pa matapos sumiklab ang bakbakan sa Barangay Magogon, Camalig, Albay ngayong Huwebes.

Batay sa ulat ng Police Regional Office Bicol (PRO-5), isang residente ang nagreklamo tungkol sa presensya ng ilang armadong lalaki sa nabanggit na lugar.

Dito na rumesponde ang pinagsamang-pwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA), kung saan sinalubong sila ng putok ng mga rebelde.

Matapos ang 30 minutong bakbakan, napatay ang isang NPA member na kinilala lamang sa alyas na “Chad.” Samantala, ang mga naaresto ay kinilala bilang sina alyas Marsi/Masi, at Ka Yeng.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang limang M14 at isang M16, kabilang ang ilang mga bala.