NPA kumakampi sa China?

Gustong malaman ni National Security Council (NSC) Assistant Director-General Jonathan Malaya kung saan nakapanig ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National (CPP-NPA) sa mga isyu na may kinalaman sa China at West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapos ang di umano’y naging pahayag ng CPP-NPA ukol sa ang mga hakbang ng gobyerno sa WPS. Ayon sa NPA, pinapalala lamang umano nito ang tensyon ng China, lalo na ang gaganaping military exercise na Balikatan at pagpapadala militar sa Ayungin Shoal.

“So, in that sense, they continue to be a national security threat because that in essence, supports the argument of China. It supports the arguments of China that it is the Philippines that is provoking and creating tensions in the West Philippine Sea,” saad ni Malaya.

Aniya, luumalabas kasi na parang kumakampi sa China ang CPP-NPA.

“I asked this left people, itong mga nasa aboveground organizations – whose side are you really on? Kasi magkaalaman na tayo ngayon, sabihin na nila kung pro-China sila or hindi. Kasi from our standpoint in the National Security Council, they are now siding with China,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa opisyal, nakakadismya na ang mga grupo na buong-pusong sumusuporta sa bansa ay sumusuporta sa argumento ng China hinggil sa WPS.