NPA hitman na Top 2 most wanted sa Bicol, sumuko

Sumuko sa mga otoridad ang isang miyembro ng New People's Army (NPA) na tinagurian ding Top 2 most wanted sa Bicol Region.

Sumuko sa mga otoridad ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na tinagurian ding Top 2 most wanted sa Bicol Region.

Sa isang pahayag, inulat ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Major Gen. Romeo Caramat, Jr. na sumuko ang suspek na kinilala bilang “Jose Maria” sa Philippine Army 903rd Infantry Battalion sa Brgy. San Rafael sa Castilla, Sorsogon noong Pebrero 23.

Si “Jose Maria” ay nagsilbi umanong commanding officer ng Special Partisan Unit (SPARU) ng NPA sa ilalim ng Bicol Regional Party Committee.

“Ang pagsuko ni “Jose Maria” ay isang patunay na epektibo ang kampanya ng ating gobyerno sa paghimok sa ating mga rebelde na magbalikloob at magtiwala sa mabuting hangarin ng pamahalaan,” saad ni Caramat.