North-South Commuter Railway tapos na sa 2028 – PNR

Tiniyak ng Philippine National Railways (PNR) nitong Linggo na pagdating ng 2028 ay handa nang magamit ng publiko ang North-South Commuter Railway (NSCR).

Tiniyak ng Philippine National Railways (PNR) nitong Linggo na pagdating ng 2028 ay handa nang magamit ng publiko ang North-South Commuter Railway (NSCR).

Ang NSCR ay magkokonekta sa Clark, Pampanga at Calamba, Laguna. May kabuuan itong haba na 147 kilometro at nagkakahalaga ng P873.62 bilyon.

Sa isang pahayag, ibinahagi ng PNR na matatapos na ang malaking bahagi ng NSCR, na mula Clark hanggang Valenzuela City.

“The civil works In the railway from Metro Manila to Alabang and from Alabang to Laguna will commence next month,” dagdag pa ng ahensya.

“A fleet of 60 electric multiple unit trains, each of which is at par with world standards in terms of safety and comfort, stand ready to serve commuters,” saad ni PNR Chair Michael Ted Macapagal.

Ang first phase ng NSCR ay mula Tutuban sa Maynila hanggang Malolos City, Bulacan. Ang susunod na phase ay mula Malolos hanggang Clark, at ang ikatlo ay mula Solis street sa Tondo hanggang Calamba.

Inaasahang aabot sa 800,000 pasahero ang makakayang serbisyuhan ng NSCR kada araw.