North Korea sinita ng ‘Pinas sa ballistic missile launch

Mariing kinondena ng Pilipinas ang panibagong insidente ng pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea.

Mariing kinondena ng Pilipinas ang panibagong insidente ng pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea.

Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang panibagong paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea ay makapagpapalala ng tensyon at mistulang pagmamaliit sa economic progress, peace, and stability sa Korean Peninsula at sa lndo-Pacific region.

Sabi ng DFA, patuloy ang panawagan ng gobyerno ng Pilipinas sa DPRK na sundin ang international obligations nito kaugnay sa isinasaad ng UN Security Council resolutions.

Kailangan ding lumahok ito sa constructive at peaceful dialogue sa Republic of Korea. (DDC).

Dalawang ballistic missiles ang pinakawalan ng North Korea.

Isinagawa ang missiles launch isang araw matapos tuligsain ng North Korea ang joint military drills ng South Korea, Japan, at United States. Tinawag din ng North Korea ang relasyon ng tatlong bansa na “Asian version of NATO.”