Normal lang magalit! VP Sara nagsalita na sa banat ni FL Liza

Sa wakas ay nag-react na si Vice President Sara Duterte sa pahayag ni First Lady Liza Marcos na 'bad shot' umano sa kanya ang bise presidente.

Sa wakas ay nag-react na si Vice President Sara Duterte sa pahayag ni First Lady Liza Marcos na ‘bad shot’ umano sa kanya ang bise presidente.

Sa video message na inilabas ni VP Sara, sinabi nito na bilang tao ay may karapatang magalit ang First Lady.

Pero giit niya, labas sa kanyang trabaho bilang Bise Presidente ang issue sa pagitan nila ni FL Liza.

“Mga kababayan, bilang tao, karapatan ni Unang Ginang Liza Marcos na makaramdamng sama ng loob at galit,” wika ni VP Sara.

“Subalit ang kanyang personal na damdamin ay walang kinalaman sa aking mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan,” aniya pa.

Ayon pa sa kanya, gagawin na lang nilang pribado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-uusap tungkol sa issue sa First Lady.

“Upang makausad tayo, iiwan na natin sa isang pribadong pag-uusap sa pagitan lamang namin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang mga susunod na hakbang,” saad ni VP Sara.

Matatandaan na inamin ni FL Liza na may sama siya ng loob kay VP Sara matapos na tumawa umano ang Bise Presidente ng tawaging ‘bangag’ ni former President Rodrigo Duterte ang kasalukuyang Pangulo.