Nonchalant? Binatilyo ‘di ininda pagsagasa ng motor

Imbis na maawa, natawa ang mga netizen sa isang lalaking nabangga ng motor sa isang viral video.

Imbis na maawa, natawa ang mga netizen sa isang lalaking nabangga ng motor sa isang viral video.

Sa Facebook post ni Ching Gallardo, mapapanood na isang binatilyo ang biglaang tumawid ng kalsada, at sakto namang may paparating na motorsiklo.

Nasagasaan ang lalaki at natumba. Samantala, napanatili naman ng rider ang kanyang balanse at naiwasan ang pagsemplang.

Ngunit ang nakakatawang bahagi ng video, tumayo lang ang lalaki at nagpatuloy lang sa paglalakad, papunta sa kanyang pupuntahan sa kabilang dako ng kalsada.

Naaliw ang mga netizen dahil ‘nonchalant’ daw ang lalaki at dinedma lang ang aksidente.

“Like nothing happened.”

“he’s so non chalant.”

“shy type sya.”

“Si kuyang nonchalant, nasanay na sa sakit.”

Naputol naman ang video ni Gallardo at hindi na nakita kung nag-usap pa ba ang rider at ang nasagasaang lalaki. Nakahakot na ng mahigit 46,000 reactions ang video.