Nograles pinalakpakan pag-extend ng trabaho sa mga COS, JO

"Maagang pamasko ito."

“Maagang pamasko ito.”

Ito ang sinabi ni House Committee on Labor at Employment chairman Rep. Fidel Nograles nang pasalamatan niya si Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapahaba ng paglilingkod ng mga contract of service (COS) at job order (JO) employee.

Batay sa ulat noong 2023, inaasahang makikinabang ang mga 832,812 COS at JO employees sa hakbang ni Pangulong Marcos.

Binubuo nito ang 29.68 porsyento ng hanay ng gobyerno.

Ayon kay Nograles, dahil dito ay maraming manggagawa ang makikinabang at makakaasa na mayroon silang trabaho hanggang sa disperas ng Disyembre 31.

“Napakaagang pamasko ito para sa ating mga COS at JO sa pamahalaan. Marami-raming mga kababayan natin ang makikinabang sa direktibang ito,” ani Nograles.

“Ngayon, makapagtatrabaho sila nang walang pangamba na pagkatapos ng taon ay mawawalan sila ng kabuhayan,” dagdag pa nito.