‘No wang-wang’ policy ni Marcos iba sa style ni PNOY

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may pagkakaiba ang kanyang Executive Order No. 56 sa 'no wang-wang' policy ni yumaong dating pangulo Benigno 'Noynoy' Aquino III.

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may pagkakaiba ang kanyang Executive Order No. 56 sa ‘no wang-wang’ policy ni yumaong dating pangulo Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Paliwanag ni Marcos, hindi lamang sa mga wang-wang o sirena nakasentro ang EO 56.

“It’s about really the number of [low-numbered or protocol license] plates na binawasan namin,” aniya.

Nakasaad sa order na layunin nitong bawasan ang mga protocol license plates na naglipana ngayon sa kalsada. Ang mga naturang plaka ay hindi sakop ng number coding scheme at may mga espesyal pang pribelehiyo sa kalsada.

“This executive order aims to promote a more transparent and accountable system for the issuance of protocol license plates,” saad sa EO 56. “It ensures these privileges are used appropriately by a designated group of officials for legitimate purposes.”

“So that’s what really, that’s what it is about, So this is not about the wangwang, that’s a very small part of it. What it really is, is to impose discipline,” wika pa ng pangulo.

Ayon pa kay Marcos, ang mga opisyal ng gobyerno ang dapat makitaan ng disiplina.

“So if we are going to ask ordinary citizens to do that, to keep that in mind, the very least we can do is to show the government as a good example and then lead the way,” dagdag pa niya.