‘No trespass rule’ ng China, walang talab! Mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, mas dumami — PCG

Walang talab ang 'no trespass rule' ng China sa katubigan ng Bajo de Masinloc dahil mas dumarami ang bilang ng Pilipinong nangingisda doon.

Walang talab ang ‘no trespass rule’ ng China sa katubigan ng Bajo de Masinloc dahil mas dumarami ang bilang ng Pilipinong nangingisda doon.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, tuloy na nagbabantay ang ilang bangka ng ahensya upang siguraduhing ligtas ang mga mangingisdang Pinoy sa lugar.

“Since June 14 nang mamataan ng ating mga mangingisdang Pilipino na nandoon ang Philippine Coast Guard, increasing na ang number ng Filipino fishing boats that we were able to monitor in Bajo de Masinloc,” sabi ni Tarriela.

Dagdag niya, wala pang nakikitang paggalaw ang PCG sa maritime forces ng China sa Bajo de Masinloc at ilang isla sa Kalayaan Group of Islands.

“Ang personal take ko rito sa regulation na ‘to is since on the same day na dineclare ni Ms. Rafaela David na successful ang kanilang misyon sa Bajo de Masinloc, para sa’kin, this is an empty threat, they just intent to discourage the civil society from doing the same event,” aniya.