‘No permit, no exam’ policy bawal na!

Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang batas na nagbabawal na sa patakaran ng mga paaralan na "no permit, no exam."

Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na nagbabawal na sa patakaran ng mga paaralan na “no permit, no exam.”

Ayon sa Republic Act No. 11984 o ang “No Permit, No Exam Prohibition Act,” dapat payagan ng mga paaralan na makakuha ng examination ang kanilang mga mag-aaral kahit walang permit, lalo na ang mga financially disadvantaged na mga mag-aaral.

Sinasaklaw ng naturang batas ang lahat ng pampubliko at pribadong K-12 institution, higher education institutions, at mga technical-vocational institutions (TVIs).

Ang mga lalabag sa batas ay maaaring patawan ng parusa ng Department of Education, Commission on Higher Education, at ng Technical Education and Skills Development Authority.