No comment! VP Sara walang sey sa ‘drug war’ ng kapatid

Ang katagang binitawan ni Bise Presidente Sara Duterte ukol sa nagaganap na war on drug sa Davao City kung saan ang kanyang kapatid na si Sebastian "Baste" Duterte ang nagsisilbing alkalde.

“No comment.”

Ang katagang binitawan ni Bise Presidente Sara Duterte ukol sa nagaganap na war on drug sa Davao City kung saan ang kanyang kapatid na si Sebastian “Baste” Duterte ang nagsisilbing alkalde.

Simula ng ideklara ni Mayor Baste ang kampanya noong Marso 22 ay nasa pito na ang nasawi, habang nasa 21 naman ang naaresto nitong Marso 26 lang.

Nasa 34 naman ang bilang ng nadakip noong Marso 27.

Ayon kay Davao City Police Office spokesperson Police Capt. Hazel Tuazon, huling paraan lamang umano ang pagbaril sa mga manlalaban na suspek.

“Ito ang huling paraan ng aming pulis. Siyempre, ang aming mga operatiba ay mapipilitang barilin. Hindi sila puwedeng maging pabaya. Siyempre, ang suspek ay papatayin kung sila ay maglaban sa pag-aresto. Ito talaga ang huling paraan,” saad nito sa bisaya.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala ang ang Commission on Human Rights (CHR) dahil sa nagaganap na extrajudicial killings laban sa droga sa naturang lugar.