No comment! Dominique Roque iwas sa tirada ni Bea sa kanilang breakup

Tanging ngiti ang sagot ng aktor na si Dominique Roque nang tanungin ano ang masasabi niya sa mga tirada ni Bea Alonzo sa kanilang hiwalayan.

Tanging ngiti ang sagot ng aktor na si Dominique Roque nang tanungin ano ang masasabi niya sa mga tirada ni Bea Alonzo sa kanilang hiwalayan.

Kinumpirma kasi ni Bea kamakailan na si Dominique umano ang nakipag-break sa kanilang dalawa.

Bagama’t tikom ang bibig sa sinabi ng aktres, ibinahagi naman ng aktor kung paano siya nagmo-move on sa relasyon na umabot ng halos tatlong taon bago nagtapos.

“Work, of course, family and friends. ‘Yun, okay lang naman. May ginagawa,” sabi ni Dominique sa isang panayam ng isang kilalang TV station.

Dagdag niya, nakatulong sa kanya ang “support system” niya na kinabibilang ng kanyang long time “ate” sa showiz na si Judy Ann Santos.

“Of course family ko, Ate Juday, she has always been there for me always, all the time. Friends. Inano ko ‘yung sarili ko sa sports,” aniya.