Niño Muhlach binenta FAMAS trophy kay Boss Toyo

Napag-desisyunan ng dating child actor na si Niño Muhlach na ipagbili sa halagang P500,000 kay Boss Toyo ang isa sa kanyang mga tropeyo mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS).

Napag-desisyunan ng dating child actor na si Niño Muhlach na ipagbili sa halagang P500,000 kay Boss Toyo ang isa sa kanyang mga tropeyo mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS).

Sa vlog ni Boss Toyo sa YouTube channel na Pinoy Pawnstars, sinabi ni Muhlach na hindi na niya masyadong naaalagaan ang kanyang mga tropeyo kaya’t binenta na niya ang isa sa vlogger.

Ang binenta ni Muhlach ay ang kanyang FAMAS trophy para sa Best Child Performer award. Ayon sa IMDb, dalawang beses itinanghal ng FAMAS si Muhlach bilang Best Child Performer noong dekada ’70.

“Ako kasi, ang dami kong FAMAS, ang problema nga hindi ko naaalagaan sa sobrang dami,” saad ng aktor.

“Ngayon, kung ilalagay mo sila sa museum mo, at ipapa-restore mo, I can give you one,” dagdag pa niya.

Samantala, inamin naman ni Boss Toyo na siya mismo ang nakipag-ugnayan kay Muhlach upang bilhin ang isa sa kanyang mga tropeyo.