Nine-dash line lumitaw: ‘Chasing Tuna in the Ocean’ film ban sa ‘Pinas

Hinarangan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng pelikulang “Chasing Tuna in the Ocean” sa Pilipinas.

Hinarangan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng pelikulang “Chasing Tuna in the Ocean” sa Pilipinas.

Base sa inilabas na rating ng MTRCB, dineklarang ‘R’ o ‘not for public exhibition’ ang naturang pelikula.

Ito’y base sa naging review ng MTRCB kung saan pinakita sa pelikula ang nine-dash line.

Ang naturang territorial line ay nagsisimbolo sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.

“The MTRCB will continue to exercise its powers and prerogatives consistent with its mandate, and as Filipinos, we shall not tolerate any content that undermines the prestige of the Republic of the Philippines,” ayon kay MTRCB chairperson Lala Sotto.

“This serves as a reminder to producers to conform with MTRCB standards,” lahad pa.

Maaari namang humiling ng ikalawang review ang producer ng naturang pelikula basta’t maalis ang mga eksena na hindi pumasa sa MTRCB.