‘Nilalaro ba tayo ni SP Zubiri?’: Khonghun sa patuloy na banat ng ilang senador

Hindi maintindihan ni Zambales Rep. Jefferson Khonghun kung totoo bang tigil muna ang word war sa pagitan ng Kongreso at Senado.

Hindi maintindihan ni Zambales Rep. Jefferson Khonghun kung totoo bang tigil muna ang word war sa pagitan ng Kongreso at Senado.

Ito’y matapos mapaulat na nagkasundo na sina Zubiri at House Speaker Martin Romualdez na awat na sa bangayan ng mga senador at kongresista.

Ngunit saad ni Khonghun, tila may mga senador pa rin na patuloy ang pagbanat sa hanay nila.

“Nilalaro ba tayo ni Senate President Zubiri?” tanong ni Khonghun.

“We are puzzled with the recent actions of the Senate with regard to their treatment of the House leadership and our institution,” aniya pa.

Napansin kasi ni Khonghun na matapos ang napaulat na ceasefire, biglang kinuwestiyon ng ilang senador tungkol sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Tanong tuloy ni Khonghun kay Zubiri, pinapasakay lang ba nito ang Kamara o hindi na siya sinusunod ng mga kapwa niya senador?

“This latest incident leaves us now wondering: Has the Senate President lost his moral ascendancy to lead the Senate or is he taking us or a ride? Hindi na ba siya pinakikinggan ng mga kapwa niya senador o talagang niloloko niya lang tayong lahat?” saad ni Khonghun.