Nice one, mga Sir! Bilateral meeting nina PBBM, Ramos-Horta ‘produktibo at makabuluhan

Tinalakay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang katambal nito mula Timor Leste na si Jose Ramos-Horta ang mga "matters of great importance," kabilang na ang pagtutulungan sa politika at seguridad.

Produktibo ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang katambal nito mula Timor Leste na si Jose Ramos-Horta, na lumipad sa bansa para sa isang state visit.

Si Marcos mismo ang nag-anunsiyo nito sa isang joint statement na nilabas ng dalawang pangulo nitong Biyernes, Nobyembre 10 matapos ang kanilang pulong.

“There are many aspects to that consultation that will further the relations between our two countries,” ani Marcos.

Ayon rin sa pahayag, tinalakay nina Marcos at Ramos-Horta ang mga “matters of great importance,” kabilang na ang pagtutulungan sa politika at seguridad.

Tinayak rin na Marcos kay Ramos-Horta na patuloy na tutulungan ng Pilipinas ang Timor Leste sa skills development ng mga mamamayan ng Timor Leste.

“We are committed to increasing engagements in such technical cooperation, and we have tasked our respective ministries to explore and enhance future partnerships on this matter,” pagtitiyak ni Marcos.

Pinag-usapan rin ng dalawang pinuno pagkakaroon ng mga direct play sa kani-kaniyang mga kapitolyo.