NGCP itinaas red, yellow alert sa Luzon

Nakararanas pa rin ng problema sa kuryente ang Luzon matapos na magkaaberya sa 19 power plant noong Martes.

Nakararanas pa rin ng problema sa kuryente ang Luzon matapos na magkaaberya sa 19 power plant noong Martes.

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines na isasailalim ang Luzon grid sa red at yellow alert status ngayong Huwebes, April 18.

Abot sa 1,891.3 megawatts ang kuryente na hindi available sa Luzon grid dahil sa outage sa karamihan ng power plant.

Ang red alert status ay mangyayari alas-3 hanggang alas-4 ng hapon, at alas-8 hanggang alas-10 ng gabi.

Ang yellow alert status naman ay nakataas mula ala-1 hanggang alas-3 ng hapon; alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi, at alas-10 hanggang alas-11 ng gabi.

Ang red alert status ay itinataas kapag hindi sapat ang power supply para mapunan ang demand ng publiko.

Ang yellow alert naman ay ginagawa kapag hindi sapat ang operating margin para mapunan ang contingency requirement ng transmission grid.