NFA bibilhin ng P28 per kilo palay na mula Camarines Norte

Inanunsyo ng National Food Authority - Region 5 (NFA-5), na bibilhin nito sa halagang P28 per kilo ang mga palay na magmumula sa mga magsasaka ng Camarines Norte.

Inanunsyo ng National Food Authority – Region 5 (NFA-5), na bibilhin nito sa halagang P28 per kilo ang mga palay na magmumula sa mga magsasaka ng Camarines Norte.

Ayon kay NFA-5 information officer Jaharah Shyrra Pavilando, naging posible ang mataas na presyo ng palay dahil sa memorandum of agreement ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte at ng NFA sa ilalim ng programang Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU).

“Under the PALLGU program, the provincial government will add a maximum of PHP5 per kilogram to the current palay buying price of the agency amounting to PHP23 per kilogram,” pahayag ni Pavilando.

Kaya naman, hinikayat ng ahensya ang mga magsasaka mula sa nasabing lalawigan na sa kanila na ibenta ang mga inani nilang palay.

“We extend our heartfelt gratitude to the provincial government of Camarines Norte under the leadership of Governor Ricarte Padilla for supporting our PALLGU program and allotting PHP7.5 million to fund its implementation for the year 2024. Camarines Norte farmers may now benefit from the PALLGU and earn a premium of up to PHP5 per kilogram of palay delivered to NFA, bringing our palay buying price for clean and dry to a maximum of PHP28 per kilogram,” dagdag pa ni Pavilando.

Ang iba pang lugar na nagpapatupad ng PALLGU sa Region 5 ay ang Albay, at ang mga bayan ng Pilar at Barcelona sa Sorsogon.