NFA Administrator, kasama sa 139 sinuspinde ng Ombudsman dahil sa ‘korapsyon’

Pinatawan ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman si National Food Authority (NFA) Administrator Roderico Bioco at iba pang opisyal at empleyado ng ahensya kasunod ng nabulgar na pagbebenta ng rice bufferstock.

Ito ang inanunsyo sa isang pulong balitaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ngayong Lunes.

Suspendido ng anim na buwan at walang sweldo ang aabot sa 139 opisyal at empleyado ng NFA, sina Assistant Administration for Operations John Robert Hermano at iba’t ibang regional supervisors ng NFA at mga warehouse manager.

Si Laurel ang pansamantalang mamumuno sa NFA habang umiiral ang naturang suspension at umaandar ang imbestigasyon.

“Rice is the main food staple of tens of millions of Filipinos, particularly the poor. We cannot allow those who have been entrusted with this noble task to bilk the NFA, enriching themselves at the expense of millions who struggle every day for a chance to feed their families,” ani Laurel.

Nag ugat ang kaso sa umano’y pagbebenta ng NFA ng libong toneladang NFA rice sa isang negosyante.