Next time muna ang pilgrimage, mamshie! Habang may kaguluhan sa Israel, Gaza Strip, ipagpaliban muna ang bisita sa Holy Land — DFA

Malaking tulong ang pagpapaliban ng mga leisure visits sa Israel, dahil maiiwasan ang problema sa paglikas ng mga Pilipino dahil sa kanselasyon ng mga flight paalis ng bansa, ayon sa isang opisyal.

Hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na ipagpaliban muna ang kanilang mga nakatakdang biyahe papunta sa Holy Land kasunod ng patuloy na bakbakan sa Gaza Strip sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas.

“We haven’t put a travel ban on Israel. But our embassy has issued a travel advisory, so as much as possible, avoid traveling right now,” sinabi ni Foreign Undersecretary Eduardo De Vega sa isang pulong balitaan sa Malacañang Martes, Oktubre 10.

Bagaman hindi pa umaabot ang kaguluhan sa mga lugar sa Holy Land, hindi normal ang pagbisita sa isang bansa na nasa estado ng gera, paliwanag pa ni De Vega.

“We’re not telling you not to go but we’re advising you that it’s best, if possible, to postpone them until we’re absolutely sure that the hostilities have ended because after all, even the Prime Minister of Israel has said that we are in a state of war. So, it’s not normal for somebody to want to visit the country which is in a state of war,” aniya.

Malaking tulong ang pagpapaliban ng mga leisure visits sa Israel, dahil maiiwasan ang problema sa paglikas ng mga Pilipino dahil sa kanselasyon ng mga flight paalis ng bansa.

Maraming flights na ang kinansela ng kani-kanilang mga operator paalis ng Tel Aviv bunsod ng kaguluhan.