‘New model’ ng China sa Ayungin Shoal kathang isip lang – NSC

Sinuka ng National Security Council (NSC) ngayong Lunes ang paandar ng China na ‘new model’ na kasunduan sa Ayungin Shoal.

Sinuka ng National Security Council (NSC) ngayong Lunes ang paandar ng China na ‘new model’ na kasunduan sa Ayungin Shoal.

Kamakailan lang ay iniulat ng Chinese Embassy ang pagkakaroon ng “new model for management of the Ren’ai Jiao (Ayungin Shoal) situation.” Ayon sa Chinese Embassy, ang new model ay kasunduan sa pagitan ng kanilang bansa at ng militar ng Pilipinas.

Itinanggi naman NSC ang pakana na ito ng China.

“Now, this ‘new model’ announced by the Chinese Embassy is nothing more than a new invention. As the President has clearly stated, there is no agreement whatsoever about Ayungin Shoal and that we shall continue to do all activities within the bounds of international law and we shall brook no interference in our lawful actions,” pahayag ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año.

Wala umano itong pinagkaiba sa unang lumutang na ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ng China at Pilipinas noong Duterte administration.

“These are clearly black propaganda used to create distractions, divisions, and conflict among our people,” aniya.

“It serves no purpose and has no bearing because President Ferdinand Marcos Jr. has been very clear: ‘This administration is not aware of any secret or gentleman’s agreement and if there was such done under a previous administration, the same has been rescinded’,” dagdag pa ni Año.