Neutral lang? VP Sara nilinaw na ‘di oposisyon o pro Marcos admin

"Hindi ako gumagalaw for the administration, for the opposition, or kung anuman ‘yang political na ‘yan."

“Hindi ako gumagalaw for the administration, for the opposition, or kung anuman ‘yang political na ‘yan.”

Ito ang pagbibigay linaw ni Vice President Sara Duterte matapos tanungin kung siya na nga ba ang lider ng oposisyon sa isang ambush interview sa katatapos lang na Pasidungog awards ng Office of the Vice President.

Dagdag niya, nagtatrabaho siya para ikabubuti ng taumbayan at ng mga Pilipino.

“Ang galaw ko ay base sa kung ano ‘yung makakatulong sa ating mga kababayan, at kung ano ‘yung karapat-dapat,” aniya.

Kamakailan ay sinabi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na si VP Sara na ang bagong lider ng oposisyon matapos magbitiw bilang DepEd secretary at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Samantala, nilinaw rin ni Albay Representative Edcel Lagman na ang Liberal Party ang tunay na oposisyon.