Netizens nagtalo sa pagdakma ni Whang-Od sa ‘alaga’ ni Piolo

Umani ng samo't-saring reaksyon sa mga netizen ang ginawang pandadakma ni Apo Whang-od sa alaga ni Piolo Pascual.

Umani ng samo’t-saring reaksyon sa mga netizen ang ginawang pandadakma ni Apo Whang-od sa alaga ni Piolo Pascual.

Bumisita ang aktor sa tahanan ni Whang-od sa Buscalan, Kalinga upang saksihan ang tradisyonal na pagta-tattoo ni Whang-od, na tinatawag na pambabatok.

Sa isang viral na video, makikita kung paano hinawakan ng tattoo artist ang ‘jun-jun’ ni Piolo.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizen sa ginawang ito ni Whang-Od. Ito ang ilang post sa X (dating Twitter):

“Those who criticize Apo Whang Od haven’t even had the chance to meet her in person. She’s a lively, skilled elder with a sense of humor, occasionally mischievous. I’ve visited her four times and marked by her twice. Some things in life are better left overlooked and tolerated.”

“Kung may malice yung ginagawang groping sa crotch ni Apo Whang Od kay Piolo (or for any other random guy who had a tattoo session w/ her) doon sa video – by all means, call out & express your dissent. I only see a playful & naughty old woman. Don’t over-sexualize.”

“This shouldn’t be condoned. Alam ko malaki ang respeto natin kay Apo Whang Od at sa sining niya ng pagtatattoo. Pero dapat ba natin baliwalain itong ginagawa niya? Kung matandang lalake si Apo Whang Od, ano na lamang ang reaction ng mga tao?”

“What Apo Whang Od did is hindi tama and don’t close your eyes sa fact na iyan just because she is an icon. Imagine if it’s an old man who did that? Everyone, if not all, will be pissed off. Kaya I don’t understand bakit nagsa-sana all pa kayo.”

“What if Apo Whang Od were a man? I respect her and her craft but pls let’s not condone a ridiculous and unacceptable act just because people find it funny or she is THE Apo Whang Od.”

Ang paghawak sa ari ng mga lalaki ay nakagawian na ni Whang-Od ay hindi si Piolo ang unang lalaki na kanyang hinipuan.