Netizens naghimutok sa food review ni Benny Blanco

Hindi nagustuhan ng mga Pinoy sa social media ang negatibong review ng American music producer na si Benny Blanco sa isang sikat na Filipino fastfood.

Hindi nagustuhan ng mga Pinoy sa social media ang negatibong review ng American music producer na si Benny Blanco sa isang sikat na Filipino fastfood.

Viral ngayon ang TikTok video ni Blanco kung saan tinikman niya sa unang pagkakataon ang ilang pagkain sa Jollibee.

Ayon sa kanya, nais niyang tikman ang pagkaing galing ‘Pinas dahil sa kanyang stepmother.

Gayunman, malinaw sa reaksyon at pananalita ni Blanco na hindi niya nagustuhan ang adobo rice, french fries, peach mango pie, at ang sikat na spaghetti.

Pinakamalala ang naging kritisismo niya sa spaghetti, na kanya pang iniluwa.

“I think that’s like ruined my night,” aniya.

Rumesbak naman sa comment section ang mga Pinoy.

“You wrong for this, I’m ready for Bretman to cuss you out.”

“Lol mas pogi pa si Jollibee sayo eh. Chararat amputek.”

“Dumayo ka dito..lamog yang mukha mo.”

“Benny your literal review about Jollibee is my literal review of you.”

“It’s okay if Jollibee isn’t your thing, but there’s no need for disrespectful comments. Everyone has different tastes and preferences.”

@itsbennyblanco

my first time trying jollibee

♬ Little Things – Adrian Berenguer