Netizens nadismaya! Bayambang Mayor Niña Jose nag-inarte sa mabahong mic

Viral si Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao matapos nitong tahasang sabihing mabaho ang mikroponong pinagamit sa kanya.

Viral si Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao matapos nitong tahasang sabihing mabaho ang mikroponong pinagamit sa kanya.

Sa flag ceremony event, nagsabi ang actress-turned-politician na kung pwedeng palitan ang ginagamit niyang mic.

Ang dahilan? Mabaho raw kasi amoy maasim ang mikropono.

“Can I change the mic? There’s bad breath here,” saad ni Jose.

“Sorry mabaho talaga ‘yung mic… It’s amoy maasim. I don’t want to have halitosis you know,” hirit pa nito.


Hindi tuloy maiwasang isipin ng mga netizen na tila nag-iinarte umano ang public official.

Ilang netizen din ang pumuna sa pag-handle ni Jose sa sitwasyon.

Heto ang ilan sa kanilang komento:

“Once you run in a government position, and you were selected, sana bawas bawasan na din pgka maarte. Kasi hindi ka CEO o presidente ng kompanya, public servant ka.”

“Paano pag may maralitang lumapit sa mayor nato para humingi ng tulong? Yung amoy araw dahil sa maghapong trabaho sa kalye?”

“Low class but trying to be sosyal. Si Kris Aquino lang pwede mag ganyan. Kahiya ka Niña.”

“You don’t get halitosis from a smelly microphone. Put that college education to good use.”

“Pero mega gamit pa din siya at explain. Di ko alam mahahawa ka pala ng halitosis dahil sa pag gamit ng mic. Noted Mayora. Kakagigil.”

Wala pa namang naging pahayag ang alkalde hinggil sa naturang viral video.