NEDA: Presyo ng bigas, kaagad bababa bunsod ng takdang-presyo nito; mapagsamantalang mga retailer, hoarder, tutugisin

Inaasahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na bababa ang presyo ng bigas sa merkado at matutunton ang mga nananamantalang mga retailer at hoarder nito sa bisa ng Executive Order (EO) No. 39.

Inaasahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na bababa ang presyo ng bigas sa merkado at matutunton ang mga nananamantalang mga retailer at hoarder nito sa bisa ng Executive Order (EO) No. 39.

Sa isang pahayag ngayong Linggo, Setyembre 3, ipinaliwanag ng NEDA na nakikita nilang kaagad bababa ang presyo ng bigas habang magpapataw ng kauuklang multa at parusa laban sa mga hoarder.

Kinakailangan rin diumano ang pagtakda ng presyo sa bigas lalo na at papalapit ang inaasahang pananalasa ng El Niño sa mga darating na buwan.

“We are facing difficult times, and concerning the agriculture sector, the El Niño Southern Oscillation (ENSO) phenomenon is a major disruptor. The ENSO has intensified the Southwest Monsoon and is expected to result in below-normal rainfall towards the end of the year in many countries along the Pacific,” ayon sa NEDA.

“Moreover, the trade-restricting protectionist behavior of certain rice-exporting countries, such as India’s ban on non-basmati rice exports to keep prices low at home, and the aggressive move of rice-importing countries to secure supply have resulted in a decrease in the volume of rice being traded and expected to be traded in the global market,” dagdag pa ng ahensiya.

Giit ng NEDA, prayoridad ng gobyerno na siguruhin na sapat ang supply at abot-kaya ang presyo ng bigas kaya tama ang pasya nito sa pagpapatakda ng presyo sa pangunahing pagkain ng Pilipino.

Samantala, sinabi pa ng ahensiya na may sapat na supply ng bigas sa third quarter ng taon, maging sa huling bahagi ng taon dahil sa paparating na anihan simula ngayong buwan. Inaasahan na rin na papasok ang mga inangkat ng bigas mula sa ibang bansa.

“That said, we note that the price of rice has been sharply increasing over the past weeks, which is inconsistent with the apparent supply and demand situation. This implies that some are manipulating the expected impact of ENSO to depict a shortage at this time,” NEDA said.