NEDA: Food security, karapatan ng mamimili, tinutugunan na ng pamahalaan

Tiniyak ng NEDA na tinutugunan na ng Pamahalaang Marcos ang mga problema ng bansa ukol sa food security, inflation, at kahirapan.

Ginagawa na ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang makakaya nito upang tugunan ang mga problema sa food security at consumer rights.

Iyan ang tiniyak ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan sa publiko, sa kabila ng hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, muling tumaas sa 5.3 porsyento ang inflation mula sa 4.7 porsyento noong Hulyo 2023. Dahil dito, 6.6 porsyento na ang pangtaunang inflation sa bansa.

Dagdag pa Balisacan, tutulungan ng Department of Agriculture at National Food Authority ang mga magsasakang Pilipino upang mapataas nila ang produksyon, lalo ng bigas at gilas. Bukod dito, inirerekomenda ng NEDA na pabilisin ang pagpapatupad ng mga programa upang mapadali ang mabilis na pagbangon ng produksyon sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

“Despite the ongoing challenges we encounter, such as severe weather conditions and trade limitations imposed by other nations, our objective remains to achieve an inflation rate between 2 and 4 percent by the year’s end,” pahayag ng kalihim.

Kaugnay nito ay tutulungan rin ng pamahalaan ang mga mamimili—partikular ang mahihirap—sa pamamagitan ng Food Stamp Program (FSP). Ito ay isa sa mga priority program ng Department of Social Welfare and Development na magbibigay ng P3,000 halaga ng food credits sa mga target na benepisyaryo bawat buwan sa loob ng anim na buwan.