NDRRMC: Lagpas 500,000 katao, apektado sa malakas na buhos ng ulan mula sa habagat, ‘Goring,’ ‘Hanna’

Umabot na sa 140,101 na pamilya sa walong rehiyon ang apektado ng habagat na pinalakas nina Bagyong “Goring” at “Hanna,” ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Umabot na sa 140,101 na pamilya sa walong rehiyon ang apektado ng habagat na pinalakas nina Bagyong “Goring” at “Hanna,” ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa ulat ng NDRRMC ng Lunes, Setyembre 4, nakumpirma na nila ang isang namatay sa Western Visayas, habang inaalam pa rin isa pang insidente ng pagkatay sa Cordillera at isang nawawalang tao sa Western Visayas.

Tumaas na ang bilang ng mga apektadong pamilya mula sa 106,677 na iniulat ng ahensiya noong Biyernes, Setyembre 1.

Katumbas ng 140,101 na pamilya ang 514,153 katao na nakatira sa 1,756 na barangay sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region.

Mula sa kabuuang bilang, 915 na pamilya o 3,251 katao ang kinukupkop sa 52 na evacuation center, at may 2,410 na pamilya o 10,052 katao naman ang tinutulungan sa ibang lugar.

Kasama sa bilang ang mga nawalan ng tirahan at mga hindi kinailangan lumikas sa kani-kanilang bahay, ayon sa Office of Civil Defense.

Umabot naman sa 1,349 na kabahayan ang nagtamo ng sira dahil sa hagupit ng malakas na ulan, at matatagpuan ito sa pitong rehiyon