NDF numero unong recruiter sa mga terrorist group

Nangungunang 'terrorist groomer' sa bansa ang National Democratic Front (NDF), ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nangungunang ‘terrorist groomer’ sa bansa ang National Democratic Front (NDF), ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Batay kay NTF-ELCAC executive director Undersecretary Ernesto Torres Jr., ang NDF ay nananatiling banta sa seguridad sa bansa sa kabila ng kanilang pagkatatag noon pang 1973.

Aniya, ang mga protesta, worker strike at boycott ng mga estudyante ay nakasentro para magkaroon ng kaguluhan sa gobyerno.

“These duplicitous organizations thrive on the suffering of the Filipino people, deceiving innocent individuals to join their corrupted cause and needlessly perish for it,” saad ni Torres.

Lahad pa ng NTF-ELCAC, ang naturang grupo ay nakaka-recruit ng mga Pinoy gamit ang ilang ‘front organizations.

Ilan sa mga tinuro ni Torres na front organization ay ang Kilusang Mayo Uno, abriela/ MAKIBAKA (Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan); ACT/KAGUMA (Katipunan ng mga Gurong Makabayan); at Alliance of Health Workers at HEAD/MASAPA (Makabayang Samahang Pangkalusugan).