NCRPO todo bantay para sa Semana Santa

Nasa mahigit 11,000 na kapulisan ang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa paghahanda sa darating na Semana Santa sa Marso 25.

Nasa mahigit 11,000 na kapulisan ang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa paghahanda sa darating na Semana Santa sa Marso 25.

Sa pahayag ni NCRPO director Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ipapakalat umano nila ang mga pulis sa mga mall, palengke, komersyal na lugar, at mga parke, mga terminal, at simbahan.

Ito ay upang masiguro umano ang kaayusan at kaligtasan ng mamamayan sa Holy Week.

“As the nation observes these significant occasions, the NCRPO stands ready to uphold its duty to maintain law and order,” ani Natartez.

Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng NCRPO sila sa mga lokal na pamahalaan, iba pang ahensya, at mga pribadong sektor.