NCRPO: 8 pulis Navotas, sinibak kaugnay sa pagpatay kay Jemboy Baltazar

Sinibak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang walong pulis na sangkot sa pagpatay sa teenager na si Jemboy Baltazar sa Navotas City

Inaprubahan na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagsibak sa walong pulis mula Navotas na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar.

Pinagtibay ni NCRPO chief Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service na sibakin ang walong pulis na may kinalaman sa pagpatay kay Baltazar, na napagkamalan na suspek na tinutugis nito.

Hinatulan ng pagkakasibak sa serbisyo sina Executive Master Sgt. Roberto Balais Jr., Staff Sgt. Gerry Maliban, Staff Sgt. Antonio Bugayong, Staff Sgt. Nikko Esquilon, Corp. Edmark Jake Blanko Blanco, and Pat. Benedict Mangada dahil sa mga kasong administratibo tulad ng Grave Irregularity in the Performance of Duty at Conduct Unbecoming of a Police Officer.

Hinatulang guilty naman sa salang Grave Neglect of Duty sina Captains Mark Joseph Carpio at Luisito dela Cruz.