NBI kinumpirma Alice Guo, Gua Hua Ping iisa!

Walang lihim ang 'di nabubunyag.

Walang lihim ang ‘di nabubunyag.

Ito ang napatunayan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos makumpirma na si Bamban Mayor Alice Guo at Gua Hua Ping ay iisa.

Ayon sa dactyloscopy report ng NBI, nagtugma ang fingerprint mula sa narekober na Alien Fingerprint Card ng nagngangalang Gua Hua Ping mula sa NBI master files na may petsang March 28, 2006, at ang fingerprint ni Mayor Alice Guo.

Kaya naman tinawag ni Senator Risa Hontiveros, ang nag-request ng fingerprint examination sa NBI, na napakalaking insulto nito para sa mga botante ng Bamban, sa insititusyon ng gobyerno, at sa bawat Pilipino sa bansa.

“This confirms what I have suspected all along: pekeng Pil si “Mayor Alice” — or should I say, Guo Hua Ping. She is a Chinese national masquerading as a Fil citizen in order to facilitate crimes being committed by POGOs,” saad ni Hontiveros.

“This is the biggest evidence we can have to oust ‘Mayor Alice’ from her position,” dagdag niya.

Hinihinalang ninakaw lang din ni Guo ang pangalang “Alice Leal Guo” at pagkakakilanlan nito tulad ng kaarawan at lugar ng kapanganakan.

TINGNAN: