NBA All-Star 2024: Steph Curry tinalo Sabrina Ionescu sa 3-point shootout

Pinatunayan ni Steph Curry na siya pa rin ang pinakamalupit na 3-pointer kahit pa sino ang iharap sa kanya.

Pinatunayan ni Steph Curry na siya pa rin ang pinakamalupit na 3-pointer kahit pa sino ang iharap sa kanya.

Ito’y matapos niyang makaharap ang three-point shootout record-holder na si New York Liberty star Sabrina Ionescu, na umiskor ng 37 points sa naturang event sa WNBA.

Sa one-on-one match ng dalawang bigating tirador, nauna si Ionescu na piniling tumira sa three-point line ng NBA, mas malayo sa kanyang nakasanayan sa women’s league.

Maagang nagpasiklab si Ionescu, nilagay niya ang kanyang moneyball rack sa first rack at naipasok niya itong lahat.

Tumapos siya na may 26 points, na matinding pagsubok para malampasan ni Curry.

Ngunit hindi pa rin ito naging sapat para ma-dethrone si Curry bilang 3-Point God, kalmado lang ang Golden State Warriors star papasok sa kanyang huling rack kung saan nakaipon ang kanyang moneyball.

Apat na moneyball ang napasok ni Curry sa dulo para tumapos na may 29 points.

Samantala, nadepensa naman ni Mac McClung ng Orlando Magic ang kanyang NBA Slam Dunk trophy matapos makakuha ng 50 points nang talunan si Shaquille O’Neal.

Si Damian Lillard naman ay nakasungkit din ng back-to-back three-point shootout trophy.