Nawa’y may kahihinatnan ito: Pilipinas, naghain muli ng diplomatic protest matapos ang dalawang insidente sa West Philippine Sea

Kinumpirma ng DFA na nagsumite na ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China at nag-démarche na rin ang pamahalaan sa Philippine Embassy sa Beijing.

Pormal nang naghain ng diplomatic protest sa Chinese Ministry of Foreign Affairs matapos ang dalawang magkasunod na insidente sa West Philippine Sea kung saan binomba ng China Coast Guard (CCG) ang mga barko ng Pilipinas.

Kinumpirma ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson and assistant secretary Ma. Teresita Daza, na sinabing gumawa na rin ng démarche ang pamahalaan sa Philippine Embassy sa Beijing.

Ang démarche ay isang inisyatibong political upang talakayin ng mga bansa ang isang isyu.

“We used the maritime communication mechanism, and it was used yesterday at 12 o’clock noon. The Department of Foreign Affairs lodged its diplomatic protest with the Chinese Ministry of Foreign Affairs counterpart through a phone call,” paliwanag ni Daza.

BASAHIN RIN: ‘They have no heart’: SP Zubiri, kinondena ang China, hinimok si PBBM na pauwiin na lamang ang ambassador nito

“And in terms of the démarche undertaken by our Philippine Embassy in Beijing, yes, we confirmed that our Philippine Embassy in Beijing has the démarche to the Chinese Ministry of Foreign Affairs official yesterday concerning the Bajo de Masinloc incident and the Ayungin Shoal incident,” dagdag niya.

Nagsasagawa lamang ang Pilipinas ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nang bombahin ng CCG water canon ang mga barko nito noong Linggo, Disyembre 10.

Isang araw bago niyan, binomba rin ng water canon ng CCG ang tatlong barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na magdadala sana ng humanitarian support sa mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

BASAHIN RIN: Kailan ba darating ang resbak? Resupply boats ng Pilipinas patungong Ayungin, muling ginipit ng China