Nawawalang beauty queen, sinasaktan umano ng pulis, DNA nito natagpuan sa abandonadong kotse—PNP

Napaulat rin na sinasaktan diumano si Catherine Camilon ni Maj. Allan Avena de Castro, ang pulis na umano'y karelasyon nito.

Mayroon umanong DNA evidence na nakuha ang mga awtoridad nag magpapatunay na isinakay nga sa abandonandong pulang Honda CR-V si Catherine Camilon, ang beauty queen na mahigit isang buwan nang pinaghahanap.

Nauna nang sinampahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 4A (Calabarzon) ang apat na suspek na diumano’y sangkot sa pagkawala ni Camilon, kabilang ang isang pulis na sinasabing karelasyon nito.

Kaugnay niyan, napaulat rin na sinasaktan diumano ng naturang pulis, na kinilalang si Maj. Allan Avena de Castro, ang dalaga, kung kaya’t nais na nitong makipaghiwalay. Isa ito sa mga tinitignang motibo ng mga awtoridad sa pagkawala ng beauty queen sa Batangas City.

Ayon sa mga saksi, isinakay si Camilon sa isang pulang Honda CRV isang gabi bago ito mapaulat na nawawala.