Navy iminungkahi pagdadagdag ng 13 ‘operating base’

Iminungkahi ng Philippine Navy ang pagdadagdag ng 13 pa na naval forward operating bases (FOB) sa buong bansa, mula sa kanilang unang suhestiyon na 15.

Iminungkahi ng Philippine Navy ang pagdadagdag ng 13 pa na naval forward operating bases (FOB) sa buong bansa, mula sa kanilang unang suhestiyon na 15.

Ito ay matapos ang muling pag-atake ng China sa Philippine vessel, na siyang dahilan sa paglala ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Naval Staff for Plans assistant chief Captain Emilio Orio Jr. sa pagdinig ng Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones nitong Miyerkoles, kabilang sa kanilang dinagdagan ay ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept ng Department of National Defense.

“We decided to increase the number to FOB from the 15 that we have submitted last meeting to the 28 that the Flag Officer in Command has submitted right now,” ani Orio.

Ang mga FOB ay mas maliit kaysa sa main naval base and naval operating base.

Magsisilbi itong outpost para sa strategic location na malapit sa West Philippine Sea at sa Philippine Rise.