Naudlot na pangarap: Derek Ramsay, labis na ikinalungkot ang naudlot na pagdadalang-tao ni Ellen Adarna

Sa loob ng mahigit dalawang taong pagsasama ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay, pangarap nilang makabuo na ng pamilya, at tila matutupad na ito ng mabuntis si Ellen ilang linggo lang ang nakakaraan.

May matinding pinagdadaanan ngayon ang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay matapos maudlot ang matagal na nilang pangarap.

Sa loob ng mahigit dalawang taong pagsasama ng mag-asawa, pangarap nilang makabuo na ng pamilya, at tila matutupad na ito ng mabuntis si Ellen ilang linggo lang ang nakakaraan.

Sa kasamaang-palad, nakunan si Ellen sa panganay sana nila ni Derek, na aminadong emosyonal pa at luting dahil sa nangyari.

Kwento ng premyadong aktor, nalaman nilang nagdadalang-tao si Ellen nang magpunta sila sa Spain para magbakasyon. Subalit pagkauwi nila ay nangyari ang hindi inaasahan.

“A great gift for her mom and to us [pagbubuntis ni Ellen], and then nu’ng pauwi, nag-i-spotting na siya… and we lost the pregnancy,” saad ni Derek sa press conference ng pelikulang “Kampon” na pinagbibidahan ni Ramsay at ni Beauty Gonzales.

Ikinasal si Derek at Ellen noong Nobyembre 2021 sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bagac, Bataan.