Naturalization ni Bennie Boatwright naglayag na sa Senado

Inihain na ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas na magdedeklara kay Bennie Boatwright bilang isang naturalized Filipino citizen.

Inihain na ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas na magdedeklara kay Bennie Boatwright bilang isang naturalized Filipino citizen.

Nitong Lunes inihain ni Angara ang Senate Bill No. 2646.

Tiwala ang senador na malaki ang maitutulong ni Boatwright sa Gilas Pilipinas.

“Boatwright will be a very strong addition to the Gilas Pilipinas squad and will make us even more competitive in international tournaments including the Asian Games, World Cup and even the Olympics,” wika ni Angara.

Si Antipolo City Rep. Robbie Puno naman ang gagawa ng bersyon ng batas sa panig ng Kamara.

Binuhat ng 27-anyos na si Boatwright ang San Miguel Beermen sa kampeonato ng Commissioner’s Cup ilang buwan na ang nakararaan.

Sakaling maisabatas ang kanyang naturalization, siya na ang magiging ika-limang naturalized player sa ilalim ng Gilas program, kahanay nina Marcus Douthit.