Natrapik lang siguro ang mga ideya: Pamahalaan ni PBBM, patuloy sa paghahanap ng mga solusyon sa matinding trapik

Gaya ng maraming Pilipino, nais rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masolusyonan na ang matinding trapik sa mga pangunahing siyudad sa bansa, partikular na ang Metro Manila.

Gaya ng maraming Pilipino, nais rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masolusyonan na ang matinding trapik sa mga pangunahing siyudad sa bansa, partikular na ang Metro Manila.

Sa katunayan, sinabi ng pangulo sa isang panayam sa “24 Oras” na kasalukuyang naghahanap ng mga solusyon ang pamahalaan para maibsan ang trapik.

Isa na rito ang pagtatayo ng maayos Pasig River Ferry transport system.

Kaugnay niyan ay tiniyak ni Marcos na hindi mawawalan ng tirahan ang mga informal settler na maaapektuhan.

“There is a plan already. Nakapag-identify na kami sa Pasig River. Nakapag-identify na kami ‘yung tinatawag na transition areas where magtatayo tayo ng temporary lodging para ‘yung settler, sila ngayon ilalagay muna doon habang tinatayo ‘yung kanilang housing. In the end, the plan is for them to have all the housing,” ani Marcos.

Dagdag pa ni Marcos, ayaw rin niyang makadagdag sa trapiko sa Metro Manila, kung kaya’t sumasakay na lamang siya ng helicopter.