Nasawi sa pertussis sa ‘Pinas, 49 na – DOH

Pumalo nasa 49 katao ang nasawi sa bansa dahil sa whooping cough o pertussis, ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

Pumalo nasa 49 katao ang nasawi sa bansa dahil sa whooping cough o pertussis, ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

“[There are] 49 as of March 23. That might increase if there will be more cases,” saad ni Health Secretary Ted Herbosa nitong Martes.

Ayon pa kay Herbosa, sa Region-4B o Mimaropa naitala ang pinakamaraming kaso ng pertussis.

Sa kabila nito, nanindigan ang kalihim na hindi pa dapat ikabahala ang pagkalat ng naturang sakit.

“We think we can contain it and it’s treatable as long as it’s treated immediately,” ani Herbosa.

Samantala, hindi naman sang-ayon ang doktor na si Richard Mata sa pahayag ni Herbosa. Aniya, dapat ikabahala ang pertussis lalo pa’t pawang mga bata ang namamatay dahil dito.

“Kasi nag focus po kayo sa pentavalent [vaccines]. Yung pentavalent po ibibigay po ‘yan sa one and a half month old. Yung namatay sa Quezon City is 22 days to 60 days old — ibig sabihin sila po ‘yung unvaccinated. So kahit ibigay po natin ‘yung pentavalent sa 1 and a half month [old], you cannot save the 22 days old, you cannot save the 2 months old,” wika ni Mata.