Nasaktan ako! Shaira hagulgol nang mahuli si EA nanunuod ‘porn’

Inamin ni Shaira Diaz na talagang nasaktan siya nang mahuli ang fiance na si EA de Guzman na nanonood ng porn.

Inamin ni Shaira Diaz na talagang nasaktan siya nang mahuli ang fiance na si EA de Guzman na nanonood ng porn.

Sa panayam kay Ogie Diaz, sinabi ni Shaira na hindi niya naiwasang mapaiyak dahil pakiramdam niya umano ay pinagpapantasyahan ni EA ang napapanood na babae sa naturang video.

Kwento ng aktres, nakita niya umano sa browse history ni EA ang link sa porn video. Dahil dito ay agad niyang kinumpronta ang aktor para manghingi ng paliwanag.

“Sabi niya kasi tapos na raw siya du’n. Ganyan. Matanda na raw siya para du’n. Tapos nakita ko ‘yung history, mayroong ano. Tapos umiyak ako,” sey ni Shaira.

Para umano kasi sa kanya ay hindi normal ang panonood ng mga video na nagpapakita ng malaswang aktibidad.

“Umiyak ako kasi nasaktan ako. Kasi siyempre, sinasabi kasi nila na normal lang sa lalaki na manood ng ganito, ganyan-ganyan. Bakit parang kailangang i-normalize?” pahayag nito.

“Kasi para sa akin, ha, parang kung nanonood ka nu’n e, di parang pinagpapantasyahan mo ‘yung ibang babae. Hindi ko alam. Basta, nasaktan talaga ako,” dagdag pa ng “Unang Hirit” host.

PANOORIN: