Nasaan na nga ba siya? PNP, wala pa ring ‘proof of life’ sa nawawalang beauty queen

Mahigit isang buwan nang nawawala ang beauty queen na si Catherine Camilon, na tubong Lemery, Batangas, at hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung buhay pa ito at kung nasaan na, ayon sa mga awtoridad.

Patuloy pa ring naghahanap ng ebidensiya ang mga awtoridad hindi lamang sa kinaroroonan ng beauty queen na si Catherine Camilon, kundi pati na rin ang tinatawag na proof of life nito.

Mahigit isang buwan nang nawawala si Camilon, na tubong Lemery, Batangas, at hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung buhay pa ito at kung nasaan na.

“We have to admit, as of now, wala pa po talaga tayong clear na ma-establish na proof of life ni Catherine, po. Pati na rin po iyong possible location po niya,” pag-amin ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang press briefing sa kaso.

Sa ngayon, hawak na ng kapulisan ang sasakyang na sinasabing pinagsakyan kay Camilon noong gabing nawala siya.

Suspek rin ng PNP ang sinasabing karelasyon ni Camilon na si Maj. Allan Avena de Castro, na isa ring pulis.

BASAHIN RIN: Umuusad na ang kaso: Sasakyang may kinalaman sa nawawalang beauty queen, natagpuan na

BASAHIN RIN: May mga nakakita: Mga suspek sa pagkawala ng beauty queen sa Batangas, kinasuhan na

Dagdag ni Fajardo, nais ng PNP na kumuha ng mga DNA samples mula kay de Castro at sa iba pang mga suspek upang ikumpara sa DNA ng iba pang hibla ng buhok na nakuha sa na-recover na sasakyan.