Nasaan ang mga magulang nito?! Bata, ginilitan ng leeg ng pinsan

Diumanong may bumubulong na boses sa suspek na nag-udyok sa kanya na gawin ang krimen

CAMARINES SUR – Patay ang isang limang taong gulang na batang lalaki makaraang gilitan sa leeg ng sarili nitong pinsan sa Barangay La Purisima, Iriga City nitong Sabado, September 30, 2023.

Sa impormasyon, pasado alas-12:00 ng tanghali nang pasukin diumano ng suspek ang bahay ng biktima at dali-daling ginilitan sa leeg ang bata.

Sa follow-up operation ng awtoridad, agad namang nahuli ang 22-taong gulang na suspek.

Ayon diumano sa binitawang pahayag ng salarin sa kapulisan, may boses daw na bumbubulong sa suspek at sinasabing patayin ang biktima.

Hinala ng pulisya, posibleng lango pa sa iligal na droga ang suspek.

Dahil dito, nakatakdang ipasailalim sa drug at psychiatric tests ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong murder.

Sa ngayon, nasa kustodiya pa ng Iriga Police Station ang suspek.