Nasa tama naman tayo: Karapatan ng Pilipinas protektahan ang WPS—DND

Hindi labag sa batas ang magsagawa ng iba’t ibang aktibidad sa West Philippine Sea tulad ng pagpatrolya sa mga karagatan nito, ayon sa isang opisyal.

Nanindigan si Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na karapatan ng Pilipinas ang magsagawa ng iba’t ibang aktibidad sa West Philippine Sea, kagaya ng pagpapatrolya rito ang pagsagagawa ng mga resupply mission.

“We are merely asserting our rights which the UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and relevant Philippine laws secure to us and these operations are done within areas where the Philippine government has every right to operate,” paliwanag ni Teodoro sa sidelines ng isinagawang dedication ceremony ng bagong gawang runway ng Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga.

Hindi rin aniya naghahanap ng anumang away o gulo ang Pilipinas sa mga ginagawa nito.

“That is simply what we are doing and in such a case not only the United States but other governments have chimed in the chorus in support of the Philippine government, the reason is simple that the Philippine government’s operations are based on rules-based international order, international law and the UNCLOS so I think that we are asserting the same thing and that is the predicate on which not only the United States but several other countries operate with us in this area,” giit pa niya.