Napurnadang pagnanakaw ng motorsiklo, na-hulicam sa Sorsogon

Naaktuhan ang isang lalaki sa kanyang tangkang pagnanakaw sa isang motorsiko sa Brgy. San Juan sa Irosin, Sorsogon.

Naaktuhan ang isang lalaki sa kanyang tangkang pagnanakaw sa isang motorsiko sa Brgy. San Juan sa Irosin, Sorsogon.

Nangyari ang insidente noong February 11, kung saan hindi alam ng suspek na may nakatapat na pala sa kanyang CCTV.

Mapapansin sa CCTV footage na in-upload ni Jarrell Stllr sa Facebook, na sakay ang suspek ng motorsiklo, at pumarada sa malapit ding motorsiklo sa gilid ng kalsada.

Matagal na nagmasid ang lalaki bago lapitan ang nakaparadang motorsiklo at sinubukang buksan ang utility box nito.

Kaagad namang napurnada ang ginagawa ng suspek matapos na lumabas ang mga nasa bahay kung saan nakaparada ang motorsiklo matapos nilang makita sa CCTV ang pagkakalikot ng lalaki sa utility box.

Desidido naman ang mga biktima na sampahan ng kaso ang suspek.