Napuno na! House panel ipapadampot si Apollo Quiboloy

Umaksyon na ang House committee on legislative franchises matapos na bigong humarap pa rin si Pastor Apollo Quiboloy sa pagdinig hinggil sa prangkisa ng SMNI.

Umaksyon na ang House committee on legislative franchises matapos na bigong humarap pa rin si Pastor Apollo Quiboloy sa pagdinig hinggil sa prangkisa ng SMNI.

Pina-cite in contempt ni Surigao del Sur 2nd District Representative Johnny Pimentel dahil hindi pa rin nagpakita si Quiboloy sa Kamara sa kabila ng subpoena na inilabas para sa kontrobersyal na pastor.

Unanimous ang naging desisyon ng House panel para ipadampot si Quiboloy.

Sa nangyaring pagdinig, um-attend ang ilang opisyal ng Kingdom of Jesus Christ, kung saan si Quiboloy ang founder.

Present din sa naturang hearing ang legal counsel ni Quiboloy na si Atty. Ferdie Topacio.

Giniit ni Topacio na hindi umano swak na si Quiboloy ang humarap sa mga kongresista patungkol sa pag-aari ng SMNI.

Ngunit hindi ito kinagat ng mga miyembro ng House committee on legislative franchises at itinuloy ang contempt para kay Quiboloy.