Napoles abswelto sa tax evasion

Binasura ang kasong P44.7M na kasong tax evasion laban sa tinaguriang 'Pork Barrel Queen' na si Janet Lim Napoles.

Binasura ang kasong P44.7M na kasong tax evasion laban sa tinaguriang ‘Pork Barrel Queen’ na si Janet Lim Napoles.

Batay sa desisyon ng Court of Tax Appeals (CTA) Second Division, nakasaad na bigo ang prosekusyon na patunayang may pagkakasala si Napoles.

“After careful consideration of the evidence presented by the plaintiff and the accused, the Court finds that the plaintiff failed to discharge the burden to prove the elements of the crimes charged against accused with proof beyond reasonable doubt,” ayon sa desisyon na nilagdaan ni Associate Justice Corazon Ferrer-Flores.

Ang kaso ay base sa naging imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan kulang umano ang dineklarang income ni Napoles mula 2004 hanggang 2009.

Nandiyan din ang hindi umano pagpa-file ng income tax return ng mag-asawang Napoles mula naman 2010 hanggang 2012.

12 counts ng tax evasion at untruthful declaration of tax liabilities ang isinampa laban kay Napoles.