Naperwisyo sa Wattah Wattah, single mom bagsak sa job interview

Sinisi ng isang single mom ang basaan sa "Wattah Wattah" Festival sa San Juan City kung bakit nawala ang oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sinisi ng isang single mom ang basaan sa “Wattah Wattah” Festival sa San Juan City kung bakit nawala ang oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Bago kasi makarating sa final employer’s interview ng inaplyang trabaho abroad, pinilit siyang basain ng mga nagsasayang residente sa lugar.

Ayon sa Facebook post ng socmed user na si Rod Lina, ibinahagi ng “anonymous member” ng isang FB group ang kanyang masalimoot na karanasan sa basaan sa lungsod noing Hunyo 24.

Kwento ng anonymous member, kahit na nagmakaawa, tinutukan siya ng water gun at hose upang basain. Dala pa naman din ang mga dokumento, at walang pamalit damit dahil hindi niya alam na may basaan fiesta pala sa San Juan.

“Nagulat ako na may grupo ng mga kabataan na nasa bente katao, pinaikutan ako. May hawak [na] mga timbang. Water gun. Tabo. Hose. Ilang beses ako nakiusap na, ‘WAG PO, MAY INTERVIEW AKO, PLEASSEEE! NANGHIRAM LANG AKO NG DAMIT,’” saad sa kanyang post

“Pero [hindi] sila nakinig. Pinasiritan ako ng tubig sa mukha mula sa hose. At ‘di pa sila nakuntento. Binuhusan ako ng ilang timbang tubig. Kaya halos basang-basa ako. ‘Yung hawak ko na envelope [kung] nasaan original requirements ko ay nabasa [din]. Halos mabura ang mga details ko kasi basang-basa. Halos umiyak ako noon kasi two [hours] ako nag-byahe tapos hindi rin pala ako makakapunta sa interview,” dagdag niya.

Nakiusap ang member na bigyan siya ng second chance sa recruiter ngunit dahil ito ay employer’s interview, awtomatik siyang FAILED dahil bigong nakarating sa usapan.

Hinikayat ng mga netizens na ilantad niya ang kanyang katauhan at magsampa ng pormal na reklamo sa tanggapan ni San Juan City Mayor Francis Zamora.

Tuloy naman ang batikos at panawagan ng mga netizens na itigil na ang nakakapwerwisyong Watta Watta festival sa San Juan.

BASAHIN: