Napapansin ng mundo ang galing ng pangulo: PBBM, pinarangalan sa COP28 sa Dubai

Nakatanggap ng parangal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang pangulong ng Sudan na si Omar Hassan Ahmad al-Bashir, para sa climate and human mobility.

Inanunsiyo ni Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga na nakatanggap ng parangal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang pangulong ng Sudan na si Omar Hassan Ahmad al-Bashir, para sa climate and human mobility.

“During the COP (Conference of Parties 28 in Dubai), we were called to the global climate mobility pavilion. Ito po ay isang pavilion together with the international office for migration that recognizes achievements in terms of migration and how we are handling human mobility as a whole,” paliwanag ni Loyzaga sa isang press briefing sa Malacañang.

“So, si President Marcos actually received an award for his role in climate mobility and in human mobility, in particular, together po sila ng President of Sudan. So, we were together with the Minister of Environment of Sudan as well to receive these awards. So, dala-dala po namin iyong award for the President,” dagdag pa niya.

Naging usapin sa nasabing briefing ang human mobility at migration matapos makasungkit ang Pilipinas ng posisyon sa Loss and Damage Fund Board, na magbibigay kapangyarihan sa bansa na tukuyin ang mga bansang dapat pondohan upang maibsan ang epekto ng climate change.